Minsan, hindi maiiwasan na kailangan nating mangutang kung hindi sapat ang ating budget. Kaya naman narito ang Weloan para dugtungan ang pangangailangang-pinansyal ng ating mga kababayan. Ang layunin ng Weloan ay hindi para mabaon sa utang ang isang tao kundi para matulungan din na maging responsible borrower sa pamamagitan ng pagkakaroon ng good debt. Nagbibigay kami ng mga financial tips tungkol sa tamang paggamit ng pera para mas mapakinabangan ang Weloan loan sa ikauunlad ng iyong buhay-pinansyal.
Masama bang mangutang? Hindi. Makikita natin na ang mayayaman ay mayroon ding utang. Ngunit nananatili silang mayaman dahil ginagamit nila ang perang kanilang inutang para i-invest sa kanilang mga negosyo. Ang perang kanilang inutang ay napapalago nila kaya kumikita sila nang higit pa sa kanilang loan. Ang tawag dito ay good debt.
Mayroon kang good debt kung ang loan mo ay kaya mong bayaran on time at ginagamit mo ito para kumita ng pera na mas higit pa sa halaga na iyong dapat bayaran.
Mga halimbawa ng good debt: online pautang UMID lang madali
- Puhunan sa negosyo – kung gagamitin mo ang loan sa negosyong kumikita nang higit pa sa iyong loan amount. Maaari kang magsimula sa maliit na puhunan at palaguin ito.
- Real estate – maaari mong paupahan sa iba ang property na iyong binili sa pamamagitan ng loan o ibenta ito sa mas mataas na halaga sa paglipas ng panahon. Sa ganitong paraan, mababayaran mo ang iyong loan at kikita ka pa.
- Edukasyon – maaari kang mag-loan at gamitin ito sa pag-aaral para madagdagan ang iyong kaalaman at oportunidad na kumita pa ng mas malaki sa kasalukuyan mong income.
- Good credit score – kung binabayaran mo kaagad ang iyong loan, nakakapag-build ka ng magandang credit score at mae-enjoy mo ang chance na magkaroon ng mas mataas pang loan limit na maaaring gamitin sa iba pang bagay.
Magkakaroon ka naman ng bad debt kung ang iyong loan ay hindi mo kayang bayaran sa tamang panahon. Maaaring ang iyong loan na hindi nabayaran ay nagkaroon na ng malaking interes. Kung mas malaki na sa iyong income ang iyong loan, maaaring mapilitan ka nang magsanla ng iyong ATM card, magbenta ng iyong mga gamit, at magkaroon ng panibagong utang sa iba para lang ipambayad sa iyong existing na utang. Hindi matitigil ang ganitong cycle kung hindi mo gagamitin nang tama ang iyong loan. Kailangan mong magkaroon ng extra source of income para mabayaran silang lahat. Maaari mong basahin ang isa pa naming blog kung paanong hindi mababaon sa utang: How to Live Debt-Free: Confessions of an Utangera
Mayroon tayong iba’t ibang financial situation kaya tayo mismo sa ating sarili ang makakapagsabi kung tayo ba ay mayroong good debt o bad debt. Basta’t kaya namang bayaran ang loan sa tamang panahon, ‘wag matakot mag-loan at magbuild ng magandang relationship sa financial institution tulad ng Weloan.
At dahil ayaw ka naming mabaon sa iyong utang, hindi magpapatung-patong ang interes na iyong babayaran kung sakaling ikaw ay magipit at hindi agad makabayad sa Weloan. Mayroon lamang one time charge na penalty fee sa iyong loan. Siguradong afford mo ang safe at secure na Weloan loan!
Mayroon din kaming referral program para magkaroon ka ng Php 2000 discount sa iyong susunod na loan. Kaya’t kung ikaw ay first time borrower sa Weloan, nasa mabuting kamay ka! Pindutin ang link at mag-download na ng Weloan app.
Kung ikaw naman ay matagal nang naglo-loan sa Weloan, maraming salamat sa iyong loyalty at trust! I-share mo na ang iyong referral code sa iyong mga kailala para maka-discount ka sa iyong susunod na loan.